Showing posts with label sorry. Show all posts
Showing posts with label sorry. Show all posts

Sunday, May 31, 2009

box of chocolate

"Its like rain on your wedding day
Its a free ride when youve already paid
Its the good advice that you just didnt take
Who wouldve thought... it figures.

-Ironic-


all along we feel that things are on their perfect places but then suddenly, life surprises us! then we end up asking "bakit ganito? why at this time pa? akala ko ba okay na?" ewan.

my summer wasn’t a perfect one as it may seem. On dad's last day here, after a long time, I witnessed a fight. My parents fought over something so stupid and they ended up not talking. Frustration came to me. I thought things are okay the whole time that dad's here. All the perfect moments was gone and the worse thing, I can’t understand why that happened and who to blame in destoying my perfect summer. The saddest part, I just kept it all with me and show them that I don’t care. Constantly thinking that im not affected. IM NOT....
i am.

may mga bagay din na hindi ganon kadali makuha kahit akala natin kaya naman. marami daw namamatay sa maling akala, muntik na cguro ako… ang tigas kasi ng ulo ko eh. akala ko kasi pumayag na si mom eh. so ayan, when i got this nice package, bumaliktad ang inaakala kong tahimik n linggo kasama nanay ko. kung pwede lang akong magpalamon s lupa, malamang ginawa ko na. pero umiral ang lawyer-slash-actress me. hindi ako nagpasindak sa nanay ko. as if im not affected. as if i dont hear anything because i kept thinking: i have my reasons why i ask for this package and my reasons are, of course, sensible. so tama ako and i know that i deserve this!

but the guilt never left me. the feeling that i've hurt my mom again (for the nth time) because of my silly decisions. The disappointment I’ve caused her. So this is where I feel ashamed of myself.

But what can I do right? The damage has been done.
no replays. no reverse.no turning back.

i just have to accept, be firm and try to make the next a perfect or the right one, at least.
SMILE :)

Monday, November 24, 2008

this blog is still...

... ALIVE!

i just dont get the luxury to update it. i'd rather waste it to sleep.. if that's called a waste.

ill update this blog soon.. when i can finally breathe and learn to swim in my pool of work.

for now, i can say.. i'm okay. im fine. something new. i think i gained an acquaintance but i lost a friend. it's okay, im getting used to it.

ill be back here soon... :)

Friday, August 29, 2008

snap

warfreak..

actually, hindi ko talaga alam ang nangyayari. hindi ko nga mainitindihan bakit ganito eh. hindi ko sinasadya. ngayon lang talaga ulit nangyari to... na may kaaway ako. or may taong galit sa akin.

kahapon lang, nagalit ako. hindi. mali. nainis lang ako. at siguro hindi ko nakontrol at lumabas lang siya nang hindi sinasadya. at naging dahilan yun para matakot ang isang tao sa akin at lumayo. hindi ako nagalit sa dahilang wala pa siyang nagagawa, nainis ako dahil sa salitang "ewan" mukhang mababaw pero subukan niyong suotin ang tsinelas ko, magiging malinaw ang punto ko. simpleng bagay. wag mo akong bigyan nang napakapilosopong sagot. lumipas na ang inis kahit hindi mo pa man ako bigyan nang dapat. nakonsensya din ako sa kinilos ko makalipas ang 10 minuto nang pagkainis. tinanong ko ang sarili ko kung may karapatan ba akong mainis at kung may punto ba ako sa ginawa ko.

kanina lang, may nagalit sa akin. may nabitawan akong hindi ko dapat nabitawan. maraming nasaktan. alam ko. hindi ako manhid. at may paki-alam ako. at may mga nakakaalam, hindi ako bulag. alam ko MALI ako. pero hindi ko sinasadya yun. humingi ako ng pasensya. may nakaintindi at nagpatawad. salamat. may hinihingan pa rin ako ng tawad. sana mainitindihan. dahil sa isang pagkakamali, may lamat na. pero susubukan kong ayusin at ibalik. cguro nga nakakagulat din dahil sa akin pa nanggaling yun. hindi magandang biro.

hindi ko alam kung bakit nangyayari eto. baka dala na din ng pagod. pero hindi pa rin yun katanggap-tanggap na dahilan para maging mali. masyado na din cguro akong nagiging prangka at komportable na palagay na ako na matatanggap nila kahit anong sabihin ko or kahit anong ipakita ko na madalas may eksplanasyon ako sa mga bagay na sasabihin ko at gagawin ko. at may mga panahon na walang laman ang bawat salitang sabihin ko. (ang hirap mag pure tagalog) people are used to seeing the good side of me. well, nobody is perfect. i have my flaws. isang reason din siguro kung bakit ginawa akong tahimik ni God para hindi na lang din ako makasakit. i think it's now better for me to get back to my box than lose what i have.

sshhhhhhhh...fix me.