akala ko kung anong bilog na malaki
at kulay pula itong ipapakain mo
at sa gulat ko nanlibre ka
ng cotton candy ni manong dyan sa may CAL.
at kulay pula itong ipapakain mo
at sa gulat ko nanlibre ka
ng cotton candy ni manong dyan sa may CAL.
pumasok tayo sa FC
at pumunta sa fire exit sa ikalawang palapag
habang pinagsasaluhan ang cotton candy
sa katahimikan ng fire exit na iyon
sabay nating kinain ang cotton candy
habang tanaw ang mga tao sa ibaba
pinagsaluhan din natin
ang usok ng iyong yosi
kasabay ang kung anu-anong
kwento at tawanan
sa sandaling panahong naging
atin ang fire exit na iyon
may ibang kabog sa dibdib ko
na nagsasabing sana ay
hindi na matapos ang oras na iyon
sa paglasap natin ng cotton candy
ang aking mga labi'y
gustong sumigaw na sana ay laging
matamis ang bawat oras na kasama ka.
sa bawat buga mo ng usok ng yosi
kasabay noon ang takot sa akin
na kasing bilis ng paglaho ng usok na iyon
ang pagtakbo ng oras.
sa kahit sandaling panahon, pinaranas mo sa akin
ang fire exit, yosi at cotton candy
ikaw ang fire exit
kung saan ako tumatakas mula sa aking mundo
ikaw ang yosi na nagdadala sa akin
ng magaang pakiramdam
at ikaw ang cotton candy
na nagbibigay tamis sa buhay ko.
lumipas man ang lahat, ako'y babalik sa fire exit dala ang cotton candy at yosi.
at sana ay kasama ka.


No comments:
Post a Comment